Augusth
Posts : 33 Join date : 2010-07-06 Age : 35 Location : Vampire Slayer Society
| Subject: How To Write FEATURE Articles (Lathalain) - A Guide for new writers. Mon Jul 12, 2010 9:34 pm | |
| Ang Lathalain ay isang sulating tumatalakay ng mas malalim, mas malawak sa malikhaing paraan sa isang balita, panqyayari, bagay o kaganapan.
1. Pumili ng tiyak na paksang susulatin. Maraming paksa ang maaaring sulatin. Pumili ng paksang susuiatin. Ang pagpili ay maaring batay sa napapanahong mga isyu, kalagayan at iba pa.
Mga Hal. :
Pagtaas ng matrikula. Ang paksang ito ay napakalawak. Maaaring puniill lamang ng twgkol sa kasalukuyang pagtaas ng mga bayarin. Hal., Pagtaas ng mga bayarin sa mga state colleges at universities.
Giyera sa Mindanao. Maaring gawan ng lathalain ang; (1) Lahatang panig na panggigiyera ng gobyernong Estrada sa mamamayang Moro sa Mindanao; (2) Ugat ng pakikibaka ng mamamayang Moro para sa sarlling pagpapasya; (3) Mga paglabag sa karapatang pantao (human fights violations) dulot ng panggigiyera ng gobyerno at/o (4) Tungkol sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gubyerno at ng Moro Islamic Liberation Front,
2. Magtakda ng mga tanong na nais sagutin ng lathalain. Mahalaga ito upang huwag maging paliguy-ligoy ang laman ng lathalain. Dito rin maaaring paghati-hatiip ang buong artikulo sa mga subpaksa (subtopic) batay sa mga tanong na kailangang sagutin ng artikulo, Matitiyak din nitp kung ano ang mga datos ang kailangang kalapln.
3. Ipunin ang mga kinakailangang datos hinggil sa paksang susulatin. Ito ang pinakamahirap na proscso sa pagsusulat ng lathalain. Kagaya ng pagpili ng paksa, napakaraming mga datos at impormasyong maaaring makuha. Piliin lamang ang mga pinakaimportanteng datos na kajlangan sa susuiatin. Sa proseso ng pagsusulat, maaaring magbawas o magdagdag pa ng mga datos batay sa pangangailangan sa artikulong susuiatin
Hal.: '"Ang maaaring piliin ay ang mga pinakabagong update sa badyet ng isang state university, kaltas sa badyet na inilaan sa badyet sa military at giyera, kabuuang badyet na kailangan ng state university para matustusan ang mga iskolar ng bayan.
Ang balitang Lathalain o News
Feature. Ang balitang lathalain ay ang pinakanababasa at pinakanatatandaan sa mga lathalain. Ito rin ang pinakamabisa dahif ito ang pinakanapapanahon.
Nilalaman ng Lathalain. Ang nilalaman ng lathalain ay dapat na nakapagmumulat o nakagigising ng pag-iisip at/o damdamin ng mambabasa. Kadalasang nagagawa nito ang alinman sa sumusunod: -nakapagbibigay-alam (inform); -nakapagtuturo (teach); -nakapag-aaliw (entertain)
Mga Elemento ng Lathalain. Ilan sa mga ito ang: 1. datos (data/facts) 2. pahayag (quotation) 3. tanawin, tunog at pagsasalarawan (sights, sounds and description) 4. Human interest 5. anekdota (anecdotes) 6. narrative lead (pasalaysay na entrada) 7. “I” account (sariling karanasan ng sumulat)
Paggamit ng mga tanawin at tunog Pinag-uugnay-ugnay ng sumusulat ang mga tanawin at tunog, quotation, pangayayari at mga kilos upang makabuo ng isang balitang lathalain.
Paggamit ng anekdota (anecdotes) Mahalaga ang paggamit ng mga anekdota sa pagsusulat ng lathalain. Karaniwang ang anekdota ay mga insidente o pangyayari sa pang-araw-araw ng buhay. Hal. Paglalahad ng personal na karanasan ng mga manggagawang nakawelga, pang-araw-araw na buhay ng mga estudyante atbp. Biniibigyang bubay ng mga anekdota ang lathalain. Binibigyan nito ng kaluluwa ang mga personahe, karakter, imahe at kaganapang pinag-uugnay-ugnay sa ifiang lathalain.
Mga lead o entrada ng Lathalain Katulad ng sa balita, mahalaga rin ang entrada (lead) ng lathalain, Dapat nakukuha nito ang atensyon ng mga mambabasa upang basahin ang buong artikulo o lathalain. Ang entrada ay dapat naaangkop sa paksa at paraan ng pagsulat ng lathalain,
Iba't-ibang tipo ng lathalain
Human Interest Sketch- Nagbibigay diln sa mga aktuwal na mga pangyayari kaugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay na maaaring maka-antig sa damdamin at kalsipan ng mambabasa.
Biographical Sketch- Pagtalakay sa buhay at gawa ng mga tanyag o katangi.tanging tao. Hal. Lorena Barros, Kerfma Jar/man, mga llder estudyante, mga martir ng kitusang kabataan atbp.
Narrative Sketch- Ito ay base sa pagsasalaysay ng mga kaganapan at aktwal na pangyayari.
Historical Sketch- Maaaring Ito ay base sa mga tlistorikal na pangyayari, mga tao, ngunit nakakapag-interes sa mga mambabasa dahil sa mga datos at talang ibinibigay dito.
Personality Sketch- Nagbibigay dim sa mga personal na katangian, pananaw, mga nagawa ng taong gagawan ng lathalain.
Travel Sketch- May diin sa mga kaganapang dl saklaw o malayo sa mga kagyat na karanasan. Karaniwang tinatalakay nito ang mga -katangi-tanging tao -katangi-tanging lugar,
Maaaring pagkumbinahin ang iba't-ibang istilo batay sa pangangailangan at kaangkupan nito sa paksa.
Hallmbawa: -Demolisyon ng maralitang lunsod- Human interest-narrative sketch. -Gyera sa Mindanao- Narrative-historical sketch -Si Erap at ang kanyang mga kronl-Personallty-narrative sketch.
Ilang mga prinsipyo sa pag-susulat ng Lathalain:
-Unity o kaisahan ng mga datos, pangyayari at iba pa sa buong lathalain. -Coherence o pagkakaugnay-ugnay. -Emphasis o pagbiblgay-diln
Magagawa ito sa pagsusulat ng lathalain sa pamamagitan ng:
-Pagtatakda ng isang sentral na tema (central theme) o pangunahing ideya (main idea) na tatalakayin ng artikulo (masasagot ito sa pagpili pa lamang ng paksa at mga tanong),
-Pag-alis sa mga hind! kailangang impormasyon at pag-uugnay o pagkakabit ng mga datos at impormasyon tungo sa sentral na tema at
-Makinis at madaling pag-uugnay ng bawat parapo (paragraph) sa isa't-isa nang hindi lumalayo sa paksa o sa Ideyang nais nitong lamanin.
Sa kahuli-hulihan, maaaring tapusin ang isang lathalain sa pamamagitan ng:
-Maiksing pagbubuod o summary ng buong artikulo. -Pagrurok {climax)ng artikulo sa pamamagitan ng paghayag ng call to action o mga panawagan. -Pagbalik sa entrada o Introduksyon at pagpapatibay nito.
Ilang gabay sa pagkuha ng datos para sa lathalain
-Maaaring magsagawa ng interbyu sa mga taong may kaugnayan sa paksa. Ito ang tinatawag na first hand Information. -Maaaring sumipi sa mga balita o artikulo sa mga dyaryo, mga libro at iba pang reference para sa paksa. -Mag-lnterbyu ng mga tao hinggil sa kanilang opinyon kaugnay sa paksa. -Bumatay sa press release, press statements, factsheets at iba pa para sa mga pahayag at/o datos.
--------------------------- Tips based on experience: -Make it entertaining especially the introduction. -Use subtopics.
-- Hope this helps. ---
Last edited by Augusth on Sat Jul 17, 2010 8:52 pm; edited 2 times in total | |
|
Lobo
Posts : 17 Join date : 2010-07-06 Location : wormhole
| |
Augusth
Posts : 33 Join date : 2010-07-06 Age : 35 Location : Vampire Slayer Society
| |
Ar-ar
Posts : 18 Join date : 2010-07-07 Age : 36 Location : Driven Emo
| |
Xtnze
Posts : 21 Join date : 2010-07-07
| Subject: Re: How To Write FEATURE Articles (Lathalain) - A Guide for new writers. Wed Jul 14, 2010 6:38 pm | |
| Lol pansin ko mas nakakanosebleed ang tagalog kaysa english. Nifty guide. | |
|
Augusth
Posts : 33 Join date : 2010-07-06 Age : 35 Location : Vampire Slayer Society
| |
Sponsored content
| Subject: Re: How To Write FEATURE Articles (Lathalain) - A Guide for new writers. | |
| |
|